1) Dok, ano po ba ang COVID 19?
Ang COVID 19 ay isang corona virus na nanggaling at na diskubre sa Wuhan, China nung 2019 at lubhang nakaka- hawa at nagdudulot ng infection.
2) Ano ang mga sintomas ng COVID 19?
Ang mga taong na expose sa Covid pagkatapos ng 2-14 araw ay maaring makaramdam ng
a)Ubo
b)Hirap ng paghinga o pag ka hapo.
c)Lagnat
d) Panga-ngatog o chills
e)Sakit ng lalamunan o sorethroat
f)Sakit ng kalamnan o muscle pain.
g)Pagkawala ng panlasa at pang amoy
Maari din makaramdam ng ibang sintomas tulad ng pagsusuka, sakit ng tiyan, pag ta-tae o diarrhea, mga sintomas sa balat tulad ng rashes at iba pa.
3)Kailan po ba dapat emergency o agaran mag pa-konsulta o pumunta sa ospital?
Magpunta sa lalong madaling panahon sa ospital o sa kina-uukulan sa kalusugan kung meron ng mga sumusunod:
a) Sobrang hirap sa paghinga
b)Pagka hingal
c)Matinding pananakit o mabigat ng dibdib na hindi nawawala
d)Pagkalito o malalang pagkabalisa
e)Nahihirapang manatiling gising o sobrang pag ka antok
f)Nangi-ngitim na ang labi pati ang mukha( kulang na sa Oxygen!)
4) Dok, ano po dapat gawin para maiwasan o protektahan ang sarili laban sa Covid?
Makakabuti para sa lahat ang gawin ang mga sumusunod:
a)Isagawa ang Physical Distancing!
Iwasan ang madaming tao at pag dikit-dikit .Dapat may isang metrong distansya
Stay home o manatili sa bahay ang pinaka mabuti.
b)Mag hugas ng kamay!
Dapat tumagal ng at least 20 segundo (sing Happy Birthday 2X ).maari ring gumamit ng alcohol at disinfectant para sa kamay
c)Iwasan hawakan ang Bibig ,Ilong at Mata.
Ito kasi ang paraan para makapasok ang virus sa ating katawan.
d)Gawin ang tamang pag ubo at pag bahin(sneeze).
Gumamit ng tissue para takpan ang bibig at ilong o gamitin ang braso.(wag kalimutan itapon ang gamit na tissue, ang braso re-usable!)
e) Ang face mask ay nakaka-tulong para di kumalat ang droplets galing sa ilong at bibig.
Pwede rin gumamint ng mga re-usable masks gawa sa tela, bandana pati panyo.